Pagmasdan ang ulan Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak Pagmasdan ang dilim Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda Kasabay ng hanging kumakanta Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa Hanggang ang langit ay tumila na? Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil Ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila Ikaw rin magpapaalam na Maari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan ka Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi? Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa Hatid mo may bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka, ah-ah-ah (Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak) Ah-ah-ah La-la-la, la-la-la Maari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan ka Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi? Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil Ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa Hatid mo may bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka