Naaalala ko si Mama Sa tuwing nasisilayan ko Ang iyong lakas at tikas Hindi lang ng iyong pagtawa Kundi lalo na kung ga'no ka katatag 'Di ka patitinag Sa tuwing yumayanig at nagbabadya Sa atin ang isang madilim na kabanata Yayakapin ko ang iyong init At sasamahan kita hanggang sa bulan Sisikapin kong maging kanlungan mo At sabay nating punuin Ng alaala ang ating duyan Ah, ah, ah, ah Naaalala mo ba noon Gabi nung may isang nagsabi sa ating Siguraduhing pagsalubungin ang hangin? Ang ating init at lamig Kaya lagi mong alalahaning Kakampi kita, 'di ka mag-iisa Mainit man o malamig ang ating kabanata Yayakapin ko ang iyong init At sasamahan kita hanggang sa bulan Sisikapin kong maging kanlungan mo At sabay nating punuin Ng alaala ang ating duyan Ooh, ooh, ooh, ooh, ooh, ooh Kaharap ko na ang Maykapal Kay tagal ko 'tong pinagdasal Ang pagpapasalamat Na ang buhay natin ay pinagtapat Oh, woah, oh Ginawa ka ba Para mahalin ang katulad ko? Ginawa ako Para mahalin ang katulad mo Ginawa ka ba Para mahalin ang katulad ko? Ginawa ako Para mahalin ang katulad mo Yayakapin ko ang iyong init At sasamahan kita hanggang sa bulan Sisikapin kong maging kanlungan mo At sabay nating punuin ng mga kabanata Ng alaala ang ating duyan Ah, ah, ah, ah Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya Ikaw ang kasama, oh, aking mahiwaga Sa ating duyan Ooh, ooh, ooh, ooh