saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan paalam na nga ba sa ating nakaraan? ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan Ooh-ooh, ooh-ooh Ooh-ooh, ooh-ooh kung aking uulitin, itong mahabang byahe sa kada yugto ng ating paglalakbay wala akong babaguhin, ni isang detalye sa dami ba naman ng sinuong magkasabay sa pagbadya ng kulimlim ng tinadhana 'di magmamaliw, ating mga gunita saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan paalam na nga ba sa ating nakaraan? ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan Ooh-ooh, ooh-ooh lumang mga larawang nakaplasta sa mga dingding, may tamis at pait babalikan, tambayan sa tindahan kwentuhang magdamagang nung bata pa't nangangarap lang sa pagkagat ng realidad ng buhay landas nati'y sadyang magkakahiwalay saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan paalam na nga ba sa ating nakaraan? ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan sarado na ang kabanata ngunit ba't ayaw ko pang harapin ang katotohanang hindi na nga tugma ang pagtutunguhang sa'n man hipan ng hanging amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan salamat sa'ting pinagsamahan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan ('di ipagpapalit ang pagkakaibigan) saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan paalam na nga ba sa ating nakaraan? ngunit sa'n man tayo hipan ng amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan saranggola'y lilipad sa kahel ng kalangitan paalam na nga ba sa ating nakaraan? sa'n man tayo hipan ng amihan 'di ipagpapalit ang pagkakaibigan saranggola (lilipad, lilipad na) saranggola (lilipad, lilipad na) kahel na ang kulay ng kalangitan saranggola (lilipad, lilipad na)