Walang Katuturan

BLASTER (PHL)

Composición de: BLASTER (PHL)/Max Cinco
'wag mo akong puriin
umaakyat lahat ng 'yan sa aking ulo
ikaw lang ang laman
ikaw lang ang tanging iniisip kapag ako ay nasa

panaginip na walang katuturan at mag-isa
kanina pa ako naghihintay
na iyong yakapin
panaginip na walang katuturan at mag-isa
kanina pa ako naghihintay
sa iyong mga ngiti

'wag mo akong titigan
nawawala ang pandama at pang-amoy, panlasa
hindi na makakita't wala nang marinig
nakalimutan ko na yatang huminga

panaginip na walang katuturan at mag-isa
kanina pa ako naghihintay
na iyong yakapin
panaginip na walang katuturan at mag-isa
kanina pa ako naghihintay
sa iyong mga ngiti
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK