Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti 
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng butuin 
Di mo man silip ang langit 
Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin 

Kung ang lahat ay may katapusan 
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan 
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko 
Ay pag-ibig 

Sa pagbuhos ng ulan, sa haplos ng hangin 
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit 
Di man umihip ang hangin, (ah...) 
Di man umihip, ika'y nandirito pa rin 

Kung ang lahat ay may katapusan 
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan 
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko 
Ay pag-ibig 
Ay pag-ibig 
Ay pag-ibig
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK