May naitulong ba ang pag-iyak mong to? Tinakpan na lang kita, patas na ba to? Sayang lang ang iluluha mo sa palad mo Bakit ko pa ba naisip na gawin ito? Isang kanta sa akin ang iyong sigaw Lahat na ng pangako mo'y bumitaw Palihim akong tumawa sa harap ng salamin Nais mo na bang bawiin ang ngiti sa 'kin? O kay dali namang kunin ng buhay mo, Gustong gusto ko pang ulitin ito. Ngunit di ka pa rin umaalis sa isip ko Sayang, di pa matatapos ang larong ito. Sana, di lang to panaginip sa iyo Pinagmasdan ko ang iyong luha habang dahan-dahan ka na lang nawala, paalis sa mundo ko Ipikit mo na ang iyong mata "Paalam na sa iyo" Ramdam mo bang pahirap lang ako sayo? Naaalala ko pa ang ngiti mo. Alam natin na di na tayo magkasundo Di ka na natuto- Bakit ka pa nandito?! Do you feel that I'm just a burden to you? I still remember your smile. We both know that we won't get along anymore. You still haven't learned- Why are you still here?! Sana, di na to panaginip sa iyo Pinagmasdan mo ang aking luha habang dahan-dahan na akong nawala, paalis sa yakap mo Ipikit mo na ang iyong mata Wag ka nang lumuha pa Ah~ Sana ay naiintindihan mo Kalimutan ka ay hindi biro Ah, tama na- Ayoko nang Balikan ang aking nakaraan Wag mo na akong hahanapin pa Paalam na sa iyo