Kamukha mo si paraluman 'Nung tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o cha-cha Nguni't ang paborito Ay pagsayaw mo ng el bimbo Nakakaindak, nakakaaliw, Nakakatindig balahibo 'Pag kagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo At buong maghapon ay tinuturuan mo ako Chorus: Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig nang tunay Naninigas ang aking katawan 'Pag umikot na ang plaka Patay sa kembot ng bewang mo At ang pungay ng iyong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo'y magkaakbay At dahang-dahan dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko [Chorus] La la la la... La la... la la la la la... Lumipas ang maraming taon 'Di na tayo nagkita Balita ko'y may anak ka na Nguni't walang asawa Tagahugas ka raw ng pinggan Sa may ermita At isang gabi'y nasagasaan Sa isang madilim na eskinita Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw [Chorus 2x] La la la la... La la... la la la la la... La la la la... La la... la la la la la...