Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa 'yo 'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo 'Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko [refrain] Sagutin mo lang ako Aking sinta'y walang humpay na ligaya [chorus] At asahang iibigin ka Sa tanghali, sa gabi at umaga Huwag ka sanang magtanong at magduda Dahil ang puso ko'y walang pangamba Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong ligaya [ad lib] (Toot toot…) Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko 'Di naman ako manyakis tulad ng iba Ipinapangako ko sa 'yo na igagalang ka [repeat refrain] [repeat chorus 5x till fade]