Sa tuwing ako'y tumitingin sa iyong mga mata Umaasa na sana ako'y nakikita Ngunit parang malayo ang tanaw Malayo pa sa sinag ng araw Dalangin ko na kahit minsan Puso ko'y pakinggan Kahit na anong aking lapit, hindi kayang abutin May pag-asa pa bang magtagpo ang mga landas natin? Ika'y isang bituin sa langit na nagniningning Malapit man sa aking paningin, ba't kay hirap abutin? Gaano man kalayo ang landas na 'king tatahakin Kailan pa ma'y ang puso mo'y sadyang hindi mararating Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah Sa bawat oras na ako ay NASA piling mo Nananalig na iyong dinggin ang hiling nitong puso Ngunit parang malabo yata 'Di nakikita ng iyong mga mata O kahit pa naririnig man lang Ang awit ng pagsinta Kahit na anong aking lapit, hindi kayang abutin May pag-asa pa bang magtagpo ang mga landas natin? Ika'y isang bituin sa langit na nagniningning Malapit man sa aking paningin, ba't kay hirap abutin? Gaano man kalayo ang landas na 'king tatahakin Kailan pa ma'y ang puso mo'y sadyang hindi mararating Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah Pilit mang paglapitin ang agwat natin Pilit mang habulin at pilit mang abutin Ipagsigawan, nag-aalab na damdamin Kailanman ikaw ay 'di magiging akin! Pilit mang paglapitin ang agwat natin Pilit mang habulin at pilit mang abutin Ipagsigawan, nag-aalab na damdamin Kailanman ikaw ay 'di magiging akin! Kahit na anong aking lapit, hindi kayang abutin May pag-asa pa bang magtagpo ang mga landas natin? Ika'y isang bituin sa langit na nagniningning Malapit man sa aking paningin, ba't kay hirap abutin? Gaano man kalayo ang landas na 'king tatahakin Kailan pa ma'y ang puso mo'y sadyang hindi mararating Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah Ooh, ooh Woah-oh-oh-oh, woah