Minsan lamang ang kapalaran Dumadaan, pinapalibutan ka Wag mo kaming ipahintulot sa tukso, ilayo mo kami sa lahat ng di wasto Ngunit may kapalit Inaalay namin ang lahat sa iyo, ang aming serbisyo't sakripisyo Wag nang bumalik Ano ba ang kulang samin na iniwanan mo kaming ganito? Halika't tayo'y sumayaw Nag iisa sa dilim Halika't tayo'y humiyaw Sala na di akin Halika't tayo'y dumalaw Ako ang nagkamali Halika't tayo'y maglaro Walang katapusan- Tara! Sumama ka Wala nang babalik Oras na ng paglakbay sa dilim Tara Sumuko na Wag kang mag bagong isip Lahat ng gusto ko ay susundin mo Minsan lamang ang kamalasan Hinding hindi na aalis sayo Wag mo kaming ipahintulot sa tukso, ihatid mo kami palayo sa di wasto Tumahan na Inaalay namin ang lahat sa iyo, ang buhay ng iba, ano pa ang gusto mo?) Wag nang umiyak Ano ba ang meron samin na kinulong mo kaming ganito? Nanay, tatay, gusto ko nang umalis rito Ate, kuya, nasaan na ba kayo Kahit anong isigaw mo sa mundo Walang makakarinig sa inyo Wag ka nang umasa, kaibigan ko Halika't tayo'y sumayaw Nag iisa sa dilim Halika't tayo'y humiyaw Sala na di akin Halika't tayo'y dumalaw Ako'y nagkamali Halika't tayo'y maglaro Habang buhay pa tayo Tara! Sumama ka Wala nang babalik Oras na ng paglakbay sa dilim Tara! Sumuko na Wag kang mag bagong isip Lahat ng gusto ko ay susundin mo Lahat ng gusto ko ay susundin mo