Wag Na Muna

Gagong Rapper

[Yawzi] 
'Di makalimot oras ko'y umiikot 
Sakit sa ulo ang mga naidulot 
Lumilibot mga mata ko 
Para humanap ng iba pero 'di magawa 'to 

Nagulo na, sabi mo 'wag na muna 
Bat 'di mo pa sinabi nung una 
Nang 'di na umasa ng ilang taon 
Magbabago pa ba ang iyong desisyon 

Tumamlay sa sinabi mo 
Sumakit ang ulo ko 
'Di makakain kahit may nakahain 
'Di pinapansin ang pagkain 

Mahalin ka is da best thing 
Umibig is may favorite thang 
Kaso nga lang 'di magkatuluyan 
Sa pagbalik ko sana ikaw pa'y andiyan 


[Kilo] 
Every mornin', pagsapit ng umaga 
Naaalala, kung kailan ba makakamit ang mga tala 
Oh, bakit nga ba, mga tugon puro saka na 
Gusto mang mawalan ng gana 

'Di ko magawa, laging tulala 
Umaasa na puso mo'y mapana 
Nang tuluyan nang magtagpo ang ating tadhana 
Nang tumigil na ang panghaharana 


[Repeat CHORUS] 


[Baztosero] 
You are mah booh, yah mah everythang 
Kakanta na rin ako even I can't sing 
Piling ko ba ngayon ako ay mapapraneng 
Pintig ng puso ko, pangalan mo dinadaeng 

Hindi maisip kung saan ba nagkamale 
Sabihin mo kung anong pagkakamale 
Walang maisip at ako ay laging tulala 
Laging nakatingin singkit mong mga mata 


[Shock-Gie] 
Kahit 'di man ngayon, umaasa na kahit bukas 
Pag-ibig ko na lampas sana akin nang mailabas 
Nakabakas ang nakaraan at sumpaan 
Kalimutan ka ay paano kung ika'y kailangan 

'Di mapigilan mata kong pagod sa pag-iyak 
Pangakong binitawan sa iyo ito'y tiyak 
At kung papatak ang luha ako ang s'yang pupunas 
Sa kalungkutang dinaranas ako ang lunas, boo 


[Repeat CHORUS] 


[Khoolet] 
Ako'y nawala, lumayo na nga sa piling mo 
Sorry sa pangako, ngunit 'di pa pwede maging tayo 
Naging malabo, biglang dumami ang hadlang at kabilang 
Iyong kahapon na 'di maiwasan 

At kahit masaktan pag-ibig ko muna ibabaon 
Hangga't sa dumating ang tamang panahon 
At sa pagkakataon 
Sana 'di maglaon ang pag-ibig na pabaon 


[Macwun] 
Pangako sa isa't isa, balang araw magsasama 
Tayong dalawa sa tuwina kahit na nga maghintay na muna 
Pangako sa iyo, ito'y totoo, walang halong biro 
Kahit panaginip lang ito mahigit pa sa totoo 

Katumbas nito mahal kita 
'Yan ay 'wag mong kakalimutan 
Kahit masaktan makamtan 
At aking mahagkan 

At malayo ka man sa isipan ay malapit 
Lalong lumalapit kahit panaginip 
Pero bakit kelangan pa to mangyari 
Na kunwari para bang Hirayamanawari 

Na 'di ko na mawari at sari-sari 
Na uri parang pinuri ng isang hari 
Ako ang prinsepe at ikaw ang prinsesa 
At balang araw darating din ang sopresa (sopresa, sopresa) 


[Repeat CHORUS twice]
Página 1 / 1

Letras y titulo
Acordes y artista

restablecer los ajustes
OK