Alas-kwatro pa ng umaga, dito pa rin, tulala Nalulunod lang sa alaala, pero wala namang magawa Kahit ipikit mga mata, memoryado pa rin ang iyong mukha Nung sabi mo sa'kin: 'Di na uulitin at 'di mo naman sinasadya 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari? Kung isa na lang ang lumalaban Madadama sa bawat hagkan May hangganan ang pagpapatawad Kung paulit-ulit na lang At sa pagmulat ng iyong mata May kasama ka sa pagbubura Sa sugat ng ala-ala, may iiyakan ka Hanggang matuyo ang 'yong luha 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari? 'Di ko alam kung pa'no makakausad dito? 'Pag tumingin pa sa malayo, para bang gustong maglaho Ikakasama ko pa ba kung gusto ulit magsimula Nawawalan na ng pag-asa, kasalanan bang lumaya? 'Di man alam kung pano makakausad dito Tatakbo tayong malayo hanggang bawat sugat maglaho Iwanan na ang 'yong pangangamba 'Di ka na mag-iisa 'Di na mag-iisa 'Di ko alam ang gagawin, kahit ano pa ang sabihin 'Di mo naman naririnig, parang ang layo mo na rin Nandito ka nga sa'king tabi, pero nakaguhit ang ngiti Ang sugat ba'y gumagaling O natututo lang ba tayong magkunwari?