Sa buhay natin 
mayroon isang mamahalin, 
sasambahin. 

Sa buhay natin, 
mayroon isang
bukod tangi sa lahat,
at iibigin ng tapat. 

Ngunit sa di sinasadyang 
pagkakataon 
at para bang ika'y nilalaro ng
panahon. 
May makikilala,
at sa unang pagkikita, 
may tunay na pag-ibig na nadarama.

Refrain: 
Bakit ba hindi ka nakilala ng 
ako'y malaya pa. 
At hindi ngayon ang puso ko'y 
may kapiling na. 
Bakit ba hindi ka nakilala ng 
ako'y nag-iisa. 
Sino ang iibigin, 
ikaw sana.

Di mo napapansin, 
sa bawat araw na kasama mo sya,
kapiling ka nya.

Bawat sandali 
punung-puno 
ng ligaya't saya, 
damdamin ay iba.

At sa di sinasadyang 
pagkakataon, at para bang ika'y nilalaro ng 
panahon. 
Bigla kayong nagyakap,
mga labi nyo'y naglapat,
ang inyong mga mata'y nagtatanong
at nangangarap.
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK