SABIK

The Juans

Composición de: Japs Mendoza
'di maitago ang ngiti
dinadama ang bawat sandali
gusto kita, hindi maikukubli
maghihintay hindi magmamadali

kaya dahan-dahan, walang alinlangan
nais kong malaman mong ako'y nasasabik na

makita ka, mahagkan ka
mapakita sa 'yong ika'y mahalaga
'di mawawala, 'di mangangamba
'pagkat tayo'y tiwala sa isa't-isa, oh-ooh

'di mawala-wala ang ngiti sa mga mata
pa'no pa kaya kapag ika'y kasama na
wala nang ibang hahanapin pa
maghihintay sa oras na itinakda

kaya dahan-dahan, walang alinlangan
nais kong malaman mong ako'y nasasabik na

makita ka, mahagkan ka
mapakita sa 'yong ika'y mahalaga
'di mawawala, 'di mangangamba
'pagkat tayo'y tiwala sa isa't-isa, oh-ooh

ako'y nasasabik na

makita ka, mahagkan ka
mapakita sa 'yong ika'y mahalaga
'di mawawala, 'di mangangamba
'pagkat tayo'y tiwala sa isa't-isa
tiwala sa isa't-isa
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK