Bahala Ka Na

Zild

Composición de: Zild
ba't ikaw na naman
ang iniiyakan?
pwede bang pagbigyan
ika'y muling mahagkan?

'wag munang umalis
ang pakiusap ko'y walang lumihis
'di ko matitiis hanap-hanapin ka

ang layo na natin sa isa't isa, paano na?
'di na ba magtatagal ang pahina
na sinimulan pa nating dalawa?
hahayaan na nga lang kita mapag-isa
malaya ka na
hindi na kita
kukulitin pa

miss na miss na kita
pa'no ba nawala (pa'no ba nawala)
ang 'yong gana, sinta?
hindi na ba 'ko mahalaga sa 'yong paghinga?

huwag nang magkunwari
alam ko na ang nais mong iparating
'di ko maihambing kung bakit sa 'kin pa

ang layo na natin sa isa't isa, paano na?
'di na ba magtatagal ang pahina
na sinimulan pa nating dalawa?
hahayaan na nga lang kita mapag-isa
malaya ka na
hindi na kita
kukulitin pa
bahala ka na

Oh, bahala ka na
bahala ka na
Oh, bahala ka na
bahala ka na
Oh, bahala ka na
Oh, bahala ka na
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK