tulog na, aking mahal hayaan mong tumulo ang luha mo walang makakaalam unan lang ang pipintas sa’yo pakawalan mo na ang naiipong galit at poot hindi makakahinga kapag nilihim ang nadarama at kukumutan ang kalungkutan dito sa duyan langit ang kaibigan mo ‘di kailangang magtago kasama mong mga bituin sa bawat luhang inilalabas hindi ka nag-iisa langit ang hehele sa iyo mahal o tandaan kahit ‘di malaman ang dahilan hawakan aking kamay kahit na wala ako riyan makakatulog ka nang payapa dito sa duyan tulog na nang mahimbing bukas mo na harapin