Wala Nang Kumakatok

Zild

Composición de: Zild
babangon na para lang makahinga
'di na alam, ano pa ba ang halaga?
'di n'yo ba napapansin
kung pa'no na 'ko tumingin?

natutuyo na ang mga luha ko
bakit gan'to? palaging bitbit ang mundo
'di n'yo ba papansinin?
palaging magkukunwari

tulong, 'di ko mahinto ang bulong
magdamag nang nakakulong
sa kuwarto kong wala nang kumakatok

sana liwanag ay makita muli
hangga't wala pa sa huli
bago mauwi sa pagsisisi

at tulala na naman sa kawalan
namamanhid na ang buong katawan
ayoko nang bumangon pa
nabubulok na sa kama

tulong, 'di ko mahinto ang bulong
magdamag nang nakakulong
sa kuwarto kong wala nang kumakatok

sana liwanag ay makita muli
hangga't wala pa sa huli
bago mauwi sa pagsisisi

heto na ang wakas
'di kayang magbukas
ang lakas sa labas
buhay kong binutas
hihiga sa kama
isasara ang mata

buhay na nalanta
mag-isang tatawa
langit ay pumiglas
hangin ay hahampas
sa pintong walang kumakatok
    Página 1 / 1

    Letras y título
    Acordes y artista

    restablecer los ajustes
    OK