Continues after the ad

    nagbabadya ang hangin na nakapalibot sa'kin
    tila mayro'ng pahiwatig, ako'y nananabik
    'di naman napilitan, kusa na lang naramdaman
    ang 'di inaasahang pag-ugnay ng kalawakan

    ibon sa paligid, umaawit-awit
    natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
    napapangiti mo ang aking puso

    giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
    mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
    giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo ang damdamin kong
    napagtanto na gusto kita (gustong-gusto kita, giliw)

    hindi ko alam kung saan ko sisimulan (sisimulan)
    binibigyang kulay ang larawan na para bang
    ikaw ang nag-iisang bituin, nagsisilbing buwan na kapiling mo
    sa likod ng mga ulap, ang tayo lamang ang tanging magaganap

    Continues after the ad

    ibon sa paligid, umaawit-awit
    natutulala sa nakakaakit-akit mong tinatangi
    napapangiti mo ang aking puso

    giliw, 'di mapigil ang bugso ng damdamin ko
    mukhang mapapaamin mo, amin mo, oh
    giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo ang damdamin kong
    napagtanto na gusto kita

    gusto kita, gusto kita, gusto kita, gusto kita
    ano'ng salamangkang mayro'n ka? (gusto kita, gusto kita)
    binabalot ka ng mahika (gusto kita, gusto kita)
    ano'ng salamangkang mayro'n ka? (gusto kita, gusto kita)
    ako'y nabihag mo na, ah
    (na, nabihag mo na)
    ah (na, nabihag mo na)
    ah-ah-ah, whoa-oh, hey

    ako na nga'y nabihag mo na
    nang 'di naman talaga sinasadya
    'pagkat itinakda yata tayo para sa isa't isa
    (ako na nga'y nabihag mo na, nang 'di naman talaga sinasadya)
    giliw, nagpapahiwatig na sa 'yo ang
    ('pagkat itinakda yata tayo para sa isa't-)
    da-da-da-damdamin ko
    da-da-da-da-da-damdamin ko

    giliw, giliw, giliw
    napagtanto na gusto kita

    Song details

    Composition: Adie (PHL) and Janine Berdin

    Did you see an error?

    Enviar revisão