Continúa después del anuncio

    akala ko ikaw ay akin
    totoo sa aking paningin
    ngunit nang ikaw ay yakapin
    naglaho sa dilim
    ninais kong mapalapit sa'yo
    ninais kong malaman mo
    ang mga paghihirap ko
    balewala lang sa'yo
    ikaw ay aking minahal
    kasama ko ang maykapal
    ngunit ako pala'y naging isang hangal
    naghahangad ng isang katulad mo

    hindi ko na kailangan
    umalis ka na sa aking harapan
    damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na
    at ito ang 'yong tandaan
    ako'y masyadong nasaktan
    pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha
    mababayaran mo

    Continúa después del anuncio

    tingnan mo ang katotohanan
    na tayo'y pare-pareho lamang
    may damdamin ding nasasaktan
    puso mo'y nasaan

    ayaw ko nang mangarap
    ayaw ko nang tumingin
    ayaw ko nang manalamin
    nasasaktang damdamin
    gulong ng buhay
    patuloy-tuloy sa pag-ikot
    noon ako ay nasa ilalim
    bakit ngayon nasa ilalim pa rin
    sana bukas nasa ibabaw naman

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión