Canseco Medley

Basil Valdez

    Continúa después del anuncio

    [Part I - Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan]
    Hanggang sa dulo ng walang hanggan
    Hanggang matapos ang kailan pa man
    Ikaw ang siyang mamahalin at lagi nang sasambahin
    Manalig kang 'di ka na luluha, giliw

    At kung sadyang siya lang ang 'yong mahal
    Asahan mong ako'y 'di hahadlang
    Habang ikaw ay maligaya ako'y maghihintay
    Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan

    [Part II - Kastilyong Buhangin]
    Kaya't bago natin bigkasin ang pagsintang sumpa
    Sa minumutya, sa diwa't gawa
    Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
    Kahit pa magsanga ng landas

    Minsan, dalawang puso'y nagsumpaan
    Pag-ibig na walang hanggan
    Sumpang kastilyong buhangin pala
    Pansamantala, luha ang dala
    'Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin
    Gumuhong kastilyong buhangin

    Continúa después del anuncio

    [Part III - Ngayon at Kailanman]
    Ngayon at kailanman
    Sumpa ko'y iibigin ka
    Ngayon at kailanman
    Hindi ka na mag-iisa
    Ngayon at kailanman
    Sa hirap o ginhawa pa
    Asahang may kasama ka, sinta

    Naroroon ako t'wina
    Maaasahan mo t'wina
    Ngayon at kailanman

    Dahil kaya sa 'yo
    Ng maitadhanang ako'y isilang sa mundo
    Upang sa araw-araw ay siyang makapiling mo
    Upang ngayon at kailanman
    Ikaw ay mapalingkuran, hirang

    Bakit labis kitang mahal?
    Pangalawa sa Maykapal
    Higit sa 'king buhay

    Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
    Lalong tumatamis, tumitingkad
    Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
    Na daig ng bawat bukas
    Sa bawat araw ang pag-ibig ko sa 'yo, liyag
    Lalong tumatamis, tumitingkad (oh, tumitingkad)
    Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
    Na daig ng bawat bukas

    Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
    Tangi sa Maykapal (ngayon at kailanman)
    Labis kitang mahal (ngayon at kailanman)
    Ngayon (ngayon at kailanman)
    At kailanman (ngayon at kailanman)
    Ngayon at kailanman

    Información de la canción

    Composición: George Canseco

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión