MAPA (Band Version) (feat. SB19)

Ben&Ben

    Continues after the ad

    mama, kamusta na?
    'di na tayo laging nagkikita
    miss na kita, sobra
    lagi na lang kami ang nauuna
    'di ba pwedeng ikaw muna?
    akin na'ng pangamba

    dahil ikaw ang aking mata
    sa t'wing mundo'y nag-iiba
    ang dahilan ng aking paghinga

    kaya 'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
    tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
    labis pa sa labis ang 'yong nagawa
    mama, pahinga muna, ako na

    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

    Continues after the ad

    papa, naalala mo pa ba (hey)
    nu'ng ako ay bata pa, 'di ba?
    aking puso'y iyong hinanda
    sa mga bagay na buhay ang may dala
    dala ko ang 'yong bawat payo
    at hanggang sa dulo, magkalayo man tayo
    ako'y tatayo, pangako, tatay ko

    dahil ikaw ang aking paa
    sa t'wing ako'y gagapang na
    ang dahilan ng aking paghinga (aking paghinga)

    kaya 'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
    tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
    labis pa sa labis ang 'yong nagawa
    papa, pahinga muna, ako na

    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

    'di ko na sasayangin pa'ng mga natitirang paghinga
    tutungo na kung sa'n naro'n ang mahalaga, woah
    at kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala 'pagkat dala ko ang mapa
    sa'n man mapunta, alam kung sa'n nagmula, woah

    'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
    tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
    labis pa sa labis ang 'yong nagawa
    ma, pa, pahinga muna, ako na
    'wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata
    tahan na, pahinga muna, ako na'ng bahala
    labis pa sa labis ang 'yong nagawa (woah)
    ma, pa, pahinga muna, ako na

    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta
    la-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra-ta-ra
    la-ta-ra-ta-ra-ta-ra, la-ta-ra, la-ta

    Song details

    Composition: John Paulo Nase

    Did you see an error?

    Enviar revisão