Mitsa

Ben&Ben

    Continúa después del anuncio

    Kay sarap bumalik sa mga masasayang alaala
    Mailap na pag-ibig nating akala ay pinagpala

    Ngunit ‘di nagtagal ay nawala
    Paulit-ulit na lang, inaabangang magkamali

    Pag wala na naman tayong nararamdaman
    Ay mabuti pang itigil na'ng, kunwa-kunwari lang
    Pag wala na naman din itong pupuntahan
    Ay mabuti pang sabihin na’ng
    Salamat, salamat

    Continúa después del anuncio

    Kapag ubos na ang mitsa
    Anumang sindi, mapupuksa
    Ang galit ay lumipas na
    Inanod ng mga luha, damdamin ay lumaya

    Pag wala na naman tayong nararamdaman
    Ay mabuti pang itigil na'ng, kunwa-kunwari lang
    Pag wala na naman din itong pupuntahan
    Ay mabuti pang sabihin na'ng
    Salamat, salamat

    At sa pagsapit ng gabi ng pinagsamahan
    Ang puso’y tuturuan nang tumahan

    Pag wala na naman tayong nararamdaman
    Pag wala na naman din itong pupuntahan
    Ay mabuti pang sabihin na'ng
    Salamat, salamat
    Salamat, salamat

    Mahal

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión