NARARARAMDAMAN

BLASTER (PHL)

    Continúa después del anuncio

    'Di na kayang pagtakpan
    Ang nararararamdaman
    'Di na makapag-antay ang langit
    Ang mga anghel ay umaawit
    Paru-paro sa aking tiyan
    Nagtatagal ng milyong buwan
    Sana'y hintayin pa 'ko ng langit
    Ako'y tumatanda na't pumapangit
    Akala ko malayo pa'ng bukas

    Para bang suntok sa buwan
    Na gusto kong mabalikan
    Ang nakaraang puno ng sabit
    Ulit-ulit lang nanunumbalik
    Kung pwede lang palakpakan
    Ang hari ng kapalpakan
    Sana'y tinuloy na ang pag-awit
    At namuhay ng wala nang galit
    Sana ay madami pa'ng bukas

    Continúa después del anuncio

    Akala ko malayo pa'ng bukas
    Malay mo, sa atin ang bukas

    Di na 'ko masasaktan
    Sa titig na walang laman
    Sana'y liparin na 'ko ng hangin
    Babalik na lang kung sa'n nanggaling
    Kunin mo ang puso ko
    Gawin mo ang iyong gusto
    Kahit na ano pa ang mangyari
    Kita ko pa rin ang bahaghari
    Malay mo, sa atin ang bukas

    Malay mo, sa atin ang bukas
    Malay mo, sa atin ang bukas
    Malay mo, sa atin ang bukas
    Malay mo, sa atin ang bukas
    Malay mo, sa atin ang bukas

    Información de la canción

    Composición: Blaster (Phl) y Max Cinco

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión