Continúa después del anuncio

    Binibini
    Brownman Revival

    Binibini, sa aking pagtulog
    Ika'y panaginip ko
    Panaginip ng kathang dakila
    Nitong pag-iisip ko

    Ang katulad mo raw ay birhen
    Sa aba na altar ng purong pag-ibig

    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo

    Alaala, pag-isip, at pagod
    Sa 'yo'y binigay ko raw

    Continúa después del anuncio

    Binibini, ang aking dalangi't dasal
    Dininig mo raw

    Wika mo raw: Iingatan ko
    Magpakailan pa man ang purong pag-ibig

    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo

    Sa 'king tanong, magkatotoo kaya?
    Sagot mo, para nang sinadya

    Pagsapit ng magandang umaga
    Ako'y bumalikwas din
    Panaginip, naglaho't natunaw
    Ngunit nar'yan ka pa rin

    Paraluman, ikaw ay akin
    Sa bisa ng lakas ng purong pag-ibig

    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo

    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo
    Oh, kay ganda
    Oh, kay gandang mag-alay sa 'yo

    Información de la canción

    Composición: Luke Paredes y Jose Lansang

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión