Continues after the ad

    Humingang malalim
    Pumikit na muna
    At baka sakaling
    Namamalikmata lang

    Ba’t nababahala
    ‘Di ba’t ako’y mag-isa
    Kala ko’y payapa
    Boses mo’y tumatawag pa

    Binaon naman na ang lahat
    Tinakpan naman na ‘king sugat
    Ngunit ba’t ba andito pa rin
    Hirap na ‘kong intindihin

    Tanging panalangin
    Lubayan na sana
    Dahil sa bawat tingin
    Mukha mo’y nakikita

    Continues after the ad

    Kahit sa’n man mapunta ay
    Anino mo’y kumakapit sa ‘king kamay
    Ako ay dahan-dahang
    Nililibing nang buhay pa

    Hindi na makalaya
    Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi
    Wala mang nakikita
    Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim

    Hindi na nananaginip
    Hindi na ma-makagising
    Pasindi na ng ilaw
    Minumulto na ‘ko ng damdamin ko
    Ng damdamin ko

    Hindi mo ba ako lilisanin
    Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa ‘kin
    Hindi na ba ma-mamayapa
    ‘Di na ba ma-mamayapa

    Hindi na makalaya
    Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi
    Wala mang nakikita
    Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim

    Hindi na nananaginip
    Hindi na ma-makagising
    Pasindi na ng ilaw
    Minumulto na ‘ko ng damdamin ko
    Ng damdamin ko

    Hindi mo ba ako lilisanin
    (Makalaya)
    Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa ’kin
    (Dinadalaw mo ‘ko bawat gabi)
    Hindii na ba ma-mamayapa
    (Wala mang nakikita)
    Hindii na ba ma-mamayapa
    (Haplos mo’y ramdam pa rin sa dilim)

    Song details

    Composition: Redentor Immanuel Ridao and Raphaell Ridao

    Did you see an error?

    Enviar revisão