Sinapupunan
Dahong Palay
Continues after the ad
Pinilit kong intindihin ang nais mong gawin
Wala naman akong kasalanan sa iyo
Hindi pa ba sapat ang aking pagkatao
Upang ako'y iyong mahalin
Hindi makasigaw sa sariling daigdig
Ang aking tinig nalunod sa dibdib
Hindi mo ba kaya na ako'y isilang
At ipakita ang liwanag
Continues after the ad
Ikaw ang aking buhay
Ako ang iyong ligaya
Ikaw o aking ina
Magbibigay sa akin ng hininga