Caffeine (feat. Kagamine Len)

Dasu

    Continues after the ad

    hinahabol-habol ko ang boses sa dilim
    di ako makapaghintay bawiin ang para sa akin
    lumalabo na ang aking paningin
    bakit ba ngayon lang tayo nagsimula?
    Ah

    nakakalito, nakakapagod
    di na rin makahinga
    tama na, tama na
    marami akong katanungan
    tumingin sa salamin
    gisingin ang mga nahihimbing

    ikaw lang ba ang tangi kong makakapitan?

    ang luha ko'y dahil sayo
    sasabayan pa rin kita sa pagtakbo
    kahit na anong sigaw mo

    hanggang kailan pa ba ito?
    pagbigyan mo na ako

    isa na lang
    isang pagkakataong makita ka
    Lalalalala

    Continues after the ad

    inaawit-awit ko ang pangalan mo
    di naman nakakasawang ulit-ulitin 'to
    araw-araw, sampung beses sa isang linggo
    parang langit na ang mundo dahil sayo
    Oh

    di ko namalayan
    bakit ba ako ay gulong-gulo?

    nasaan ka na ba?
    kailangan kitang makita

    binigay mo na rin ang tanging
    sigaw ng puso ko

    bakit ba
    hindi ko mapigilan?

    hinahanap-hanap ko sa iyo
    ang pait at saya ng ating pinagsamahan
    bakit
    di na, di na nauulit ito?
    may pag-asa pa ba tayo na magtagpo?
    kahit hindi ngayon
    ikaw lang ang laman ng isip ko

    ang awit ko'y para sayo
    sasabayan pa rin kita sa pagtakbo
    kahit na anong sigaw mo

    hanggang kailan pa ba ito?
    pagbigyan mo na ako

    pakiusap
    'wag ka nang lumisan hindi ko kaya

    Ah
    natatakot lang ako
    pag ika'y naglaho na sa buhay ko
    ano na ang gagawin ko?

    kung babalikan mo pa ito
    isa lang ang masasabi ko
    hindi ko kaya na mapalayo
    sa piling mo

    Song details

    Composition: Len Kagamine and Dasu

    Did you see an error?

    Enviar revisão