hinahabol-habol ko ang boses sa dilim di ako makapaghintay bawiin ang para sa akin lumalabo na ang aking paningin bakit ba ngayon lang tayo nagsimula? Ah nakakalito, nakakapagod di na rin makahinga tama na, tama na marami akong katanungan tumingin sa salamin gisingin ang mga nahihimbing ikaw lang ba ang tangi kong makakapitan? ang luha ko'y dahil sayo sasabayan pa rin kita sa pagtakbo kahit na anong sigaw mo hanggang kailan pa ba ito? pagbigyan mo na ako isa na lang isang pagkakataong makita ka Lalalalala inaawit-awit ko ang pangalan mo di naman nakakasawang ulit-ulitin 'to araw-araw, sampung beses sa isang linggo parang langit na ang mundo dahil sayo Oh di ko namalayan bakit ba ako ay gulong-gulo? nasaan ka na ba? kailangan kitang makita binigay mo na rin ang tanging sigaw ng puso ko bakit ba hindi ko mapigilan? hinahanap-hanap ko sa iyo ang pait at saya ng ating pinagsamahan bakit di na, di na nauulit ito? may pag-asa pa ba tayo na magtagpo? kahit hindi ngayon ikaw lang ang laman ng isip ko ang awit ko'y para sayo sasabayan pa rin kita sa pagtakbo kahit na anong sigaw mo hanggang kailan pa ba ito? pagbigyan mo na ako pakiusap 'wag ka nang lumisan hindi ko kaya Ah natatakot lang ako pag ika'y naglaho na sa buhay ko ano na ang gagawin ko? kung babalikan mo pa ito isa lang ang masasabi ko hindi ko kaya na mapalayo sa piling mo