Pasensya Na

Floetics

    Continúa después del anuncio

    Pasensya na pero mas mahal ko na sya
    Ang ibigin sya at saktan ka hindi sinasadya
    Alam ko na masakit lahat ng aking nagawa
    Kaya di mo maalis ang mag muk mok at maluha
    Lalaki lang ako at madaling matukso
    Sinusunod ko lang naman gusto ng puso ko
    Siguro nga hindi ako ang para sayo
    Siguro nga ibang babae ang para ka angelo
    Well ganun pa man gusto ko sana na malaman mo
    Sana awitin kong ito huling hiling ang tawad mo
    Pag katapos ng lahat sana ikaw ay lumigaya
    At sana bukas lungkot mo ay mawala na
    Nandito lang ako kung kinakailangan mo
    Pag ikay nababato tawagin mo ang ngalan ko
    At ako ay kakatok sa harap ng iyong pintuan
    Upang mga mata ay akin ng pupunasan

    [Chorus]
    Sana pakinggan mo
    Ang inaawit ko
    Patawarin mo pa sana ako
    Sa aking nagawa
    Di sinasadya
    Patawarin mo pa sana ako

    [Ervin]
    (di ko alam kung paano ko sasabihin to alam kong nasaktan ko ang puso mo pero nais ko lang malaman mo
    Ilang ulit kong hinangad ang kapatawaran mo at gusto ko lang hilingin na maibalik ko)

    Continúa después del anuncio

    Mga sandaling ikaw pa ang kapiling
    Pagtitingin na nakakapan lambot sa lalim
    Mahirap ang gawin madali mo lang limutin
    Mga pangako na madalas ko lang sabihin
    Maligaya ka nang makita mo kong palapit sayo
    Subalit napaluha ka nang madinig sa labi ko
    At I told u it wasn't true
    No baby no
    Bakit nagawa mo na saktan ang puso ko
    Sinisigaw mo ang pangalan ko habang palayo sayo
    Sabay sa pag buhos ng ulan pumatak ang luha ko
    Sumikip ang pag hinga nung hindi ka na makita
    Mapatawad mo pa kaya ang aking pag sasala

    [Chorus]

    [Jay's]
    Sabihin mo man na ako ang nakalimot
    Sa ating relasyon sakit ang aking dinulot
    Hindi ka masisisi kung sa kin ang bintang
    At kahit sabihin pang ikay aking nilinlang
    Tanggap ko ang lahat ako ang nagkamali
    Sa relasyong ito masyado ngang nagmadale
    Hindi ko to pinlano ang iwanan kita
    Ngunit kasalanan nga ba ang magmahal ng iba
    Pasensya ka na hindi ko to sinadya
    Marahil nga hindi ako sa iyo itinakda
    At kung magalit ka man sa aking ay ayos lang
    Hindi itatanggi ang lahat ng iyong paratang
    Masama ba ito wala sa king maririnig
    Lahat na ng sakit kikimkimin sa dib dib
    At sana balang araw
    Mapatawad mo ako
    Hindi ko naman binalak na saktan ko ang puso mo

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión