Continúa después del anuncio

    Noong araw ikaw ay pugad ng mga
    Taga-ibang bansang sundalo
    Bumaha ang salapi kasama
    Ang lahat ng uri ng bisyo
    Nguni't ang lahat nang iyan ay nawala
    Sa pagsabog ng bulkan, nasalanta
    Nasaan ka na

    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka ngayon, bayan ko
    May pag-asa ba
    Kamusta ka Pampanga

    Tinabunan ka ng putik at bato
    Subali't di ka nagpatalo
    Bawat kahirapa'y may dalang lakas
    Ito'y nakita ko sa iyo
    Bagong buhay ay umuusbong muli
    Magmula sa matibay na pananalangi't pagpupunyagi

    Continúa después del anuncio

    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka ngayon, bayan ko
    May pag-asa na
    Kamusta ka Pampanga

    Sa bawat sandali bumabalik ang iyong ngiti
    And dating di makatayo'y naglalakad muli
    Ikaw ay himala sa panahon ng tag-hirap
    Ako ay humahanga sa iyong lakas at pagsisikap

    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka ngayon, bayan ko
    May pag-asa na
    Kamusta ka Pampanga

    Kamusta ka Pampanga
    Kamusta ka ngayon, bayan ko
    May pag-asa na
    Kamusta ka...
    (Misasan metung tamu)
    (Nanuman ing malyari)

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión