Baon

Gloc 9

    Continúa después del anuncio

    Mula nang makilala ka di na ako nakawala
    Saan saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan
    Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita
    At kung ako'y mapatingin bigla na lang naglalaho
    Na parang hangin
    Lagi kitang daladala
    Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
    Iniisip pa rin kita
    Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

    Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta
    Kahit saan makarating kung nandun ako narun ka
    Sa may quiapo sa lawton papunta ng luneta
    Naglalakad sa roxas boulevard sa may kuneta
    Astro dome dire-diretso sa may baclaran
    Sa simbahan tuhod ang gamit-gamit sa nilakaran
    Na sahig pagkatapos sumakay ng bus na medyo
    Siksikan at mainit pamaypay lang ang remedyo

    Mama para sa tabi bababa na po kami
    Bumili ng malamig kasi nauhaw na kami
    Habang kami nag-aabang sa ilalim ng alabang
    Ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang
    Dinaanan ang sucat pagkatapos bicutan
    Biglang may sumigaw na babae sabi nadukutan
    Kahit anong gawin nyo basta okay lang ako
    Kasi kasama ko lagi ang pinakamamahal ko
    Lagi kitang daladala
    Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
    Iniisip pa rin kita
    Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

    Continúa después del anuncio

    Nang sumapit ang gabi dumaan sa may ayala
    Gusto mo maghapunan? Sige mayamaya na
    Ituro mo lang sa akin kung meron ka nang napili
    Sa greenbelt o glorietta gamitin mo ang 'yong daliri
    Bakit wala kang kibo galit ka pa rin ba sa akin?
    May liham ako sa'yo eto subukan mong basahin
    Sa loob ng mrt kasi ang traffic sa edsa
    Makakaupo ka rin pagdating sa araneta

    Bumaba sa quezon ave., uy may shooting sa flyover
    Paborito mong artista na palaging nasa cover
    Wala ka bang makita kasi ang daming tao
    Sige halika dito may naisip akong plano
    Kumapit ka lang sa akin wag na wag kang bibitaw
    Teka medyo mataas wag na wag kang sisigaw
    Kahit anong gawing nyo basta okay lang ako
    Kasi kasama ko dito ang pinakamamahal ko
    Lagi kitang daladala
    Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
    Iniisip pa rin kita
    Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

    Nakita na nila ako kasalan mo kasi
    Ako'y pinagpalit nahuli kita nung isang gabi
    Napa-aga ang pagdating at sa butas ng dingding
    Aking nalaman na ang iyong budhi ay maitim
    Parang sugat na may asin mahal bakit mo naatim
    Ako'y niloko, tinoyo, tinoyo naging malagim
    Wag mo nang isipin yon dahil di na siya babalik
    Di na rin gigising yon kahit pa sa isang halik
    Di na tayo maglalayo hindi na maghihiwalay

    Dahil kalahati ng aking buhay ay nasa yong kamay
    Patawarin mo ako kung sinaktan man kita
    Pero matapos ang lahat ay hinagkan naman kita
    Halika sumama ka sa'kin sabay tayong tatalon
    Hindi ka ba naiinitan sa loob ng pantalon
    Di ka sa'kin mawawala kahit na sinong pumusta
    Kasama ng isang singsing ikaw ay nasa aking bulsa kaya
    Lagi kitang daladala
    Kahit nasan ka ngayon sa bawat pagkakataon
    Iniisip pa rin kita
    Kahit nasaan ka pa lagi kitang daladala

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión