Jologs

Gloc 9

    Continúa después del anuncio

    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs kaya mo bang maging tulad nila
    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs sana'y wag mong husgahan sa mata

    Jologs kami na kung tawagin
    Ng mga taong di kayang harapin ang salamin
    At mabuhay ng makulay kahit kape't tinapay
    Lang ang pagkain mo at ang hapunan mo'y kalamay
    Ang ibig kong sabihin ay halika nga dito makinig ka sa akin
    At nang sa ganon ika'y maniwala sa mga sinasabi ko ng malaman mo ang
    Dahilan kung bakit ang pantalon ko ay maluwang

    Kasi wala naman akong pambili ng mga 'to
    Hindi ko naman kailangan ang makintab na relo
    Wala nang pamasahe sumasabit na lang sa jeep
    Kayang matulog sa papag mainit at masikip
    Man ang pinapasukan na eskinita sa trabaho
    Hindi sumisimangot may maamoy man na mabaho
    Ganyan kaming mga taong hindi marunong magtago
    Kung ayaw namin ay ayaw namin
    Kami na kung tawagin ay mga...

    Continúa después del anuncio

    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs kaya mo bang maging tulad nila
    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs sana'y wag mong husgahan sa mata

    Bakit ka umiirap sa amin pero mas panget
    Pa ang kasama mo makapal lang ang wallet
    Bili mo ko non bili mo ko nyan ang sinasapit
    Para sa paglakad lagi nang nakakapit
    Hindi kami mga sumasamba sa piso
    Kuntento na sa galunggong na pinirito
    Pag bumili di na humihingi ng resibo

    Laging nakatawa kahit na walang pustiso
    Ganyan ang mga nakakasama ko sa 'min
    Kumapit ka ng mabuti kapag humangin
    Pag may inuman ay di mo pwedeng awatin
    Kasi di uso sa amin ang mahiyain
    Kaya bago pa matapos ang aking awit
    Isipin mo ng malalim mga ginamit
    Na salita para sa amin ay lumapit
    Kami na kung tawagin ay mga

    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs kaya mo bang maging tulad nila
    Jologs kami na kung tawagin ay mga
    Jologs taong hindi katulad ng iba
    Jologs sila na kung tawagin ay mga
    Jologs sana'y wag mong husgahan sa mata

    Mga taga malate kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga quiapo kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga paranaque kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga pasay kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga qc kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga valenzuela kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga pasig na kung tawagin ay mga jologs (jologs)
    Mga taga binangonan kami na kung tawagin ay mga jologs (jologs)

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión

    Canciones relacionadas