Pison

Gloc 9

    Continúa después del anuncio

    Malakas! Bagong gawa ni chito at ni gloc
    Malakas! Bagong gawa ni chito at ni gloc
    Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
    Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
    Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
    Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison

    Matagal-tagal na rin akong hindi gumamit
    Ng ganitong pamamaraan
    Sa pagbigkas ng mga salitang nagbabaga
    Samantala para bang ang dami ang nag-uunahan
    Sino ba talaga ang pinakamabilis?
    Hindi naman mahalaga
    Kasi ang tunay na tanong ay kung gano ka kagutom
    Mahawakan ang pangarap

    Mayakap malawak ang balak itarak ang itak
    Puso kong dumadagundong
    Kahit na anong mangyari, kailangang madali
    Madami mang beses na madapa, pagpagin ang alikabok
    Lasang parang mapait, pilitin mo lang malunok
    Dahil ang kinabukasan mo di pwedeng mabulok
    Sige lang itulak mo ang kariton
    Kung di abot ikaw ay tumalon
    Pagkakataon na sitahin kahit nakalingon

    Continúa después del anuncio

    Pawis na tumulo pag-inipon mo galon-galon
    Sa buhay na mapagbiro di pwede dito ang pikon
    Nauna sa tadhana pumikit lang ang pahinga
    Isaulo ang bawat letra, tandaan mo ang pahina
    O pahina’, kumain na kayo nakahain na
    Ang pagmamahal na kailanma’y tinuro sa aking ina
    Kahit na ako minsan ay nagkakalatay kay tatay

    Ang kanyang mga payo sa akin ay siyang umakay
    Di makinis ang daan anak kailangan mong masanay
    Tandaan mo na hindi pwedeng madaliin ang palay
    Tiyagain mo lang
    Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
    Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
    Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
    Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison

    Di mo kailangang pakinggan ang
    Sinasabi ng mga ayaw maniwala
    Kahit medyo pawisan diretso lang parang
    Kalan at paliyabin natin ang baga
    Ng mga pinapangarap mo dapat tibayan
    Dahil natural lang ang mabahala
    Malubog sa putikan, yapak ka lang
    Sagad mo lang kahit na gano kadambuhala
    At atumali, sandali nga hindi pa ko tapos

    Itupi ang tuhod kung dahilan sa kumot ay kapos
    Paa’y hindi sumasakit, talampakan na pinaltos
    Patipato at panabla, sige ubos na kung ubos
    Kahit madalas nakatawa, pare hindi ito landian
    Sa dami ng kalaban, di maiwasan ang sanggian
    Bigay todo pa lagi, kaya malamang na mabalian
    Sa laro na bilang ko lang ang tunay kong kaibigan
    Hindi katulad ng bitak-bitak na mga palad

    Tipak-tipak na sugat sa tubig ay nakababad
    Mamasa-masa kaya hirap pagalingin kaagad
    Agad tumatayo tuloy-tuloy pa rin ang lakad
    Walang kapaguran, ikaw ay magpabalik-balik
    Daanan mo ng daanan hanggang sa’yong madagit
    Kahit ika’y pagdudahan ng kaibigang matalik
    Wag mawalan ng pag-asa, pare buhay pa rin si magic!
    Kahit ano mang mangyari, aking aabutin
    Mga tanong na sinabi, lahat sasagutin
    Itong gulong ko na bakal, lahat tatawirin
    Kaya’t wag kang haharang sa daraanan ng pison

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión