Bakit Ka Nagbago

Joey Albert

    Continúa después del anuncio

    Sa ilalim ng bituin, kasama ka
    Mga kamay natin ay magkahawak pa
    Sa ilalim ng buwan, tayo'y nagsumpaan
    Na pagmamahalan ay magpakailan man

    Sa puso mo, ako'y nag-iisa lamang
    Buong tapat mo pang ipinahayag
    Ang tunay na damdamin mo, ako'y iyung-iyo
    Ngunit lahat sadyang nagugulo't nagbabago

    Noon ay nakalipas na, tadhana'y nag-iba
    Bakit biglang-biglang ika'y nagbago na
    'Di ko malilimutan ang nakaraan
    Parang kailan lamang ay narito ka

    Continúa después del anuncio

    Hanggang ngayon, hanap-hanap pa rin kita
    Ang higpit ng yakap mo, akin pang nadarama
    Kahit ngayon ako'y nag-iisa't nagdurusa
    Ikaw ay nakalipas na, tadhana'y nag-iba

    Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa
    Akala ko'y magtatagal ang iyong pagmamahal
    Pag-ibig ko sa 'yo lamang iniaalay
    Pag-ibig mo'y lumipas na, tadhana ko'y nag-iba

    Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa
    Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión