Sa ilalim ng bituin, kasama ka Mga kamay natin ay magkahawak pa Sa ilalim ng buwan, tayo'y nagsumpaan Na pagmamahalan ay magpakailan man Sa puso mo, ako'y nag-iisa lamang Buong tapat mo pang ipinahayag Ang tunay na damdamin mo, ako'y iyung-iyo Ngunit lahat sadyang nagugulo't nagbabago Noon ay nakalipas na, tadhana'y nag-iba Bakit biglang-biglang ika'y nagbago na 'Di ko malilimutan ang nakaraan Parang kailan lamang ay narito ka Hanggang ngayon, hanap-hanap pa rin kita Ang higpit ng yakap mo, akin pang nadarama Kahit ngayon ako'y nag-iisa't nagdurusa Ikaw ay nakalipas na, tadhana'y nag-iba Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa Akala ko'y magtatagal ang iyong pagmamahal Pag-ibig ko sa 'yo lamang iniaalay Pag-ibig mo'y lumipas na, tadhana ko'y nag-iba Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa Bakit biglang-biglang ika'y nagbago pa