Sampaguita

juan karlos

    Continues after the ad

    Oh, aking sinta
    Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
    Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
    Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha

    Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
    Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi
    Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw
    Ng mga pusong 'di kita makuhang madalaw

    At maabutan man lang ng paborito mong bulaklak
    Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak
    Sa mundong 'di sigurado, isa lamang ang tiyak
    Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak

    Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
    Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan
    Sa pagkain sa labas ay 'di kita masabayan
    At sa paglubog ng araw di kita matabihan

    Kung kahit saan man mapadpad
    Sayo pa rin ako babalik, giliw
    Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, ooh
    Sa halimuyak ng 'yong

    Anak, kaarawan mo na ulit
    Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit
    Tandaan mo lagi kahit 'di tayo magkalapit
    Naaalala ka ni tatay t'wing ako'y pumipikit

    Continues after the ad

    Patawarin mo ako, anak, kung hindi kita
    Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
    O lumangoy sa batis na katulad ng iba
    At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta

    Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
    Ng pasok sa eskwela, puso ko'y nag-uumapaw
    Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon
    Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong

    Kailan ka uuwi? Sa'kin ay binubulong
    Sagot na: Bukas na, anak, ay palaging nakakulong
    Sa pagtakbo'y madadapa, minsan ay masasaktan
    Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan

    Kahit saan man mapadpad
    Sayo pa rin ako babalik giliw, oh
    Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
    Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
    Sa halimuyak ng 'yong

    Dumating ng araw na aking pinakahihintay
    Malapit nang magsimula ang aking paglalakbay
    Pabalik sa'king pamilya kahit napakalayo
    Mula sa lugar na para kumita ay dinayo

    Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na
    Tsokolate at laruan, pati sabong panlaba
    Eroplano’y lumapag na ako lamang mag-isa
    Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila

    Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba
    Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala
    Nung tanungin ko: Teka muna, pare ay bigla na lamang s'yang natawa
    Nag-iba'ng aking kaba, teka bakit may pumasok pa na dalawa?

    Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim
    Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim
    Dahil ang laman nito ay ang lahat ng mga araw na ako’y nakatingin
    Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin ang bibiguin?

    Kahit saan man mapadpad
    Sayo pa rin ako babalik, babalik, giliw
    Sa halimuyak, sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita, sampaguita
    Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita
    Sa halimuyak ng 'yong sampaguita

    Song details

    Composition: juan karlos, Gloc-9, and Enrico Ilacad

    Did you see an error?

    Enviar revisão