Lumakad Ka

Kuh Ledesma

    Continúa después del anuncio

    'Di ba't ang tao nang isilang
    Siya'y walang bahid ng kasalanan?
    Wala ni saplot ang kanyang katawan
    Walang 'sing gandang pagmasdan

    At siya'y lumaki at nagbago
    Natutong kasalana'y maitago
    Naging 'di tapat maging sa kanyang puso
    Naging talusira sa pagsuyo

    Tao, lumakad ka
    Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw
    Ang pagkakasala, bayaang mabilad sa init ng araw
    Ikaw ay humingi at 'di Siya hihindi
    Ika'y patatawarin
    Ika'y tao lamang din
    Mahina, matuksuhin

    Continúa después del anuncio

    Ako'y isang tao ring nagkasala
    Nalihis sa landas ng pag-asa
    Ipaubaya ninyo na lumakad din ako
    Na isang hubad sa mundo

    Tao, lumakad ka
    Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw
    Ang pagkakasala, bayaang mabilad sa init ng araw
    Ikaw ay humingi at 'di Siya hihindi
    Ika'y patatawarin
    Ika'y tao lamang din
    Mahina, matuksuhin

    Ako'y isang tao ring nagkasala
    Nalihis sa landas ng pag-asa
    Ipaubaya ninyo na lumakad din ako
    Na isang hubad sa mundo

    Na isang hubad sa mundo

    Información de la canción

    Composición: George Canseco

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión