Continúa después del anuncio

    Hmm-mmm

    No'ng isilang ka sa mundong ito
    Laking tuwa ng magulang mo
    At ang kamay nila ang iyong ilaw
    At ang nanay at tatay mo'y
    'Di malaman ang gagawin
    Minamasdan pati pagtulog mo

    At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
    Sa pagtimpla ng gatas mo
    At sa umaga nama'y kalong ka ng
    Iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo

    Continúa después del anuncio

    Ngayon nga ay malaki ka na
    Nais mo'y maging malaya
    'Di man sila payag, walang magagawa
    Ikaw nga ay biglang nagbago
    Naging matigas ang iyong ulo
    At ang payo nila'y sinuway mo, ooh-ooh-ooh

    'Di mo man lang inisip na
    Ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo, ooh-ooh-ooh (ooh-ooh-ooh)
    'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
    'Di mo sila pinapansin (ooh-ooh-ooh-ooh)

    Nagdaan pa ang mga araw
    At ang landas mo'y naligaw
    Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo (ooh-ooh-ooh-ooh)
    At ang una mong nilapitan
    Ang 'yong inang lumuluha
    At ang tanong, "Anak, ba't ka nagkaganyan?"

    At ang iyong (at ang iyong) mga mata'y
    Biglang lumuha ng 'di mo napapansin
    Nagsisisi at sa isip mo'y
    Nalaman mong (nalaman mong) ika'y nagkamali

    Nagsisisi at sa isip mo'y
    Nalaman mong ika'y nagkamali
    Nagsisisi at sa isip mo'y
    Nalaman mong ika'y nagkamali

    Información de la canción

    Composición: Freddy Aguilar

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión