Ngayon Na

Ogie Alcasid

    Continues after the ad

    Kay tagal nang naiwang mag-isa
    Na 'di nadarama, may isang nagmamahal
    Hanggang sa ika'y biglang natagpuan
    Noon din naramdaman, ikaw na ang sagot sa 'king dasal

    Ngunit bakit ganito
    Kung kailan ka mahal at kapiling na
    Kaba ko'y 'di maitago
    Takot nang umibig pa

    Ngayon na ba ang pagkakataon kong minimithi
    Ngayon na ba kasiyahan ba'y di lang sandali
    Ngayon na, pag-ibig ba ay ating kakampi
    O masasaktan lang ba ako muli

    Makakaya pa bang turuan ang pusong
    Kay tagal nang sarado? Mabubuksan pa ba ito?
    Giliw ko, nasa 'yo ang tanging pag-asa
    Puso ko'y buhay na turuan mong magbago

    Continues after the ad

    Alagaan mo sana ang pag-ibig kong laan
    Kalakip nito'y pangakong mabubuhay kailanman
    At sana'y

    Ngayon na ang pagkakataon kong minimithi
    Ngayon na, may makakapiling bawat sandali
    Ngayon na, sana pag-ibig ang ating kakampi
    'Pagkat 'di ko na makakayang masaktan

    Ngayon lang muling umibig
    At muling nagkapag-asa
    Kaya't sana'y ngayon na
    Ngayon na

    Ngayon na, sana pag-ibig ang ating kakampi
    'Pagkat 'di ko na makakayang
    'Di ko na makakaya
    'Di ko na makakaya
    Masaktang muli

    Ngayon na
    Ngayon na
    Ngayon na

    Song details

    Composition:

    Did you see an error?

    Enviar revisão