DETERMINADO

Pablo (JPN)

    Continúa después del anuncio

    Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
    Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
    Kung determinado nga
    Pero 'di naman makabasag ng plato

    Dami nagtanong ba't 'to ang gusto
    Tahakin na landas, halika rito
    Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo
    Maniobra palayo sa kakitirang 'yon

    Kargado't napuno na rin ng galit 'to
    Pero 'di ako magpapalunod sa lait niyo
    Patuloy ang andar kahit na bali-baliko
    Sa'king daanan sumpang 'to ay mababali ko

    Ano ba'ng sabi ko?
    Determinado
    Walang makakapigil, 'di terminado
    Aking sentido bumabasag ng mga bungo
    Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo
    Galing sa'yong berdugo

    Katumbas ako ng dalawa na ipo
    Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo
    Kahit si Aeolus, hindi ako mahipo
    'Pag nag-dempsey roll, bira mo'y sa anino

    Continúa después del anuncio

    Musika lang aking bisyo, ang natatanging ambisyon
    Kahit anumang opinyon, hinding-hindi malilipol
    Lahat isasakripisyo, hindi kailangang abiso
    Ng kahit na sino, heto na'ng aking pagsibol

    Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
    Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
    Kung determinado nga
    Pero 'di naman makabasag ng plato (yeah)

    'Di ako isang anito
    Ako'y 'di hamak lang na isang mortal nga na bagito
    Apoy ko'y imortal, 'di halintulad sa palito
    Nagpapalit 'to ng anyo 'pag nakipagbasag-ulo mga pabibo

    Paniguradong matutusta, tyak sunog sa'kin
    Ako ang Prometheus ng musika, tapos ka
    Nagliliyab mga kutha, 'gad magigising ka
    Kapag sinindihan ko pa, don't you drop the beat

    Y'all can never take the heat
    Determinado
    Walang makakapigil, 'di terminado
    Aking sentido bumabasag ng mga bungo
    Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo
    Galing sa'yong berdugo (ah)

    Balisa 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula
    Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay
    Kahihintay ng pusang galang magtatangkang hamakin ang aking buhay
    'Di mo maide-deny aking taglay

    Kahit pa umabot, ang paglakad ko ay pasuray-suray
    Habang buhay maglalakbay
    Patungo sa'king pangarap na kailan pa man ay 'di mamamatay
    Hindi mamamatay, laging mananalaytay ang enerhiyang aking ibibigay

    Baybay lang ang kayang silayan 'pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay
    'Di ko kailangan ng lamay, akin na nga 'yang tinapay
    Tigilan mo'ng kakahukay, umayas ka sa'king bahay
    Kung isip ko'y 'di rin tunay, 'lang saysay magbigay pugay

    Matagal na 'kong patay kung 'di lang determinado (ah oh)
    Ako ay determinado (ako ay)
    Ako ay determinado (oh)
    Determinado (yah)
    Ako ang iyong berdugo

    Información de la canción

    Composición: John Paulo Nase

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión