Billy Boy

Queso

    Continúa después del anuncio

    May nakakalat sa gitna ng daan
    Pinulot ko
    May konti pang laman, pero
    Di pwedeg inumin eh
    Di ka sigurado, kaya
    Uhaw ka pa rin
    Delikado pag di ka tiyak
    Delikado pag di ka tansa
    Delikado ang dumadaloy na lungkot sa loob ng ugat mo
    Na pagod na pagod na
    Kinausap ang sarili
    Titatanong ano ba talaga ang nangyari
    Ano ba talaga ang nangyari
    Ano ba talaga ang nangyari
    Ano ba talaga
    Ano, ano ba
    Pero walang sumasagot
    Walang sumasagot sa gitna ng tahimik na gabi
    Kundi ang basag na bote
    Kaya lakad ka ng lakad
    Lakad ka lang ng lakad
    Lakad ka lang ng lakad
    Sige lang, sige lang, sige lang
    Yosi
    Relax muna kokote
    Habang may hawak-hawak
    Na basag na bote
    Alam kong gusto mong malasing
    Alam mong gusto mong managinip
    Ayaw mo lang magising
    Pero wala
    Nilamon ka na ng wala
    Wala ka nang pera, wala kang dala
    Wala kang pinanggalingan
    Wala kang pupuntahan
    Wala kang kakampi
    Kundi ang basag na bote
    Makikita ang sarili
    Na kagat sa balat
    Susugat sa isip
    Susundan ka ng sarili mong anino
    At ngayon tatanungin mo ang sarili mo
    Iinom ka ba sa basag na bote
    Iinom ka ba sa basag na bote
    Iinom ka ba sa basag na bote
    Iinom ka ba sa basag na bote
    Iinom ka ba sa basag na bote
    Iinom ka ba sa basag na bote

    Ang talim
    Kalat-kalat sanlibong salamin
    Ang talim
    Kalat-kalat sanlibong pira-pirasong salamin

    May alaalang kailangan takbuhan
    May alaalang naipit sa lalamunan
    Sa dulo ng pag-asa
    At sa dulo ng patalin
    Basag-basag na bote
    Isang daang libong salamin
    Dahan-dahang humihiwa
    Dahan-dahang bumabaon
    Dahan-dahang tumatahimik ang buhay
    Sa maingay na panahon
    Bigla ako napa-pikit
    Bigla ako nahimbing
    Bigla ako nakakita
    Makapal na usok
    Maraming maraming kulay
    At bigla may nagpakita
    Anghel na may sungay
    Sabi nya sa akin kahit ano raw pwede nyang ibigay
    Kahit ano raw, kahit ano
    Pwede akong humiling
    Sabi nya, pero sumama ka muna sa akin
    Sabi nya, sumama ka muna sa akin
    Sumama ka muna sa akin
    Sumama ka muna sa akin
    Sumama ka muna sa akin

    Continúa después del anuncio

    Ang talim
    Kalat-kalat sanlibong salamin
    Ang talim

    Ilang nilahi nilahian mo
    Upang matugunan ang sarili
    Seguridad di mahuli
    Ke tama ka o mali, eh
    Ke tama ka o mali, eh
    Ke tama ka o mali, eh
    Sagad bukas mo lang
    Buksan mo na

    Kaya ngayon ito ang nangyari sa akin
    Nabulag ako sa ganda nya
    Hawak ko ang kamay nya
    Habang naglalakad kami
    Sa umuusok na kalsada
    Sa lugar na hindi ko na alam kung saan
    Pero salamat
    Salamat meron na akong kasama
    Salamat meron na akong kasama
    Salamat meron na akong kasama
    Maraming maraming salamat sa basag na bote
    Salamat sa basag na bote
    Salamat sa basag na bote
    Maraming salamat sa basag na bote
    Maraming salamat sa basag na bote
    Maraming salamat sa basag na bote
    Maraming salamat sa basag na bote
    Maraming salamat sa basag na bote

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión