Huling Maya

Rey Valera

    Continues after the ad

    Ako ang huling maya sa 'ming gubat
    Mula nang lumisan ang aking mahal
    Bilin ko ay 'wag na siyang lumayo
    Umiwas sa bayan, agad bumalik

    Malayo na ang aking nalipad
    Subalit hindi rin matagpuan
    Ang nawawalang mahal

    Narating ko na ang paborito niyang sanga
    At ang batis na mahal sa kanya
    'Di ko pansin ang pagbuhos ng ulan
    Makapiling lang ang mahal

    Continues after the ad

    Ako ang huling maya sa 'ming gubat
    Mula nang lumisan ang aking mahal
    Bilin ko ay 'wag na siyang lumayo
    Umiwas sa bayan, agad bumalik

    Kung sa kanya'y may nakadakip
    Sana'y hayaan siyang magbalik
    Palayain siyang muli

    Narating ko na ang paborito niyang sanga
    At ang batis na mahal sa kanya
    Kung hawak siya'y huwag mo sanang sasaktan
    Palayain mo siyang muli
    Narating ko na ang paborito niyang sanga
    At ang batis na mahal sa kanya
    Kung hawak siya'y huwag mo sanang sasaktan
    Palayain mo siyang muli

    Song details

    Composition: Rey Valera

    Did you see an error?

    Enviar revisão