Sayang

Rivermaya

    Continúa después del anuncio

    Ang dami kong nadidinig na katanungan
    Bakit daw? anong nangyari?
    Ang sagot ko, ewan ko hindi ko talaga alam
    At ang sabi, eh paano naman kami?
    Ako ay napatigil at nag-isip
    Ano ang sasabihin ko sa iyo?
    Alam kong kailangan na malaman mo
    Kailangan at may karapatan ka na malaman

    Ito ba ay paalam na? (4x)
    Nagbuntong hininga parang 'di na makakilos
    'di naman katapusan ng mundo
    Pero 'di naman masisisi ang maramdaman ng puso ko
    Ganito lang talaga ako
    Abangan ang susunod na kabanata
    Ang pagsubok na ito sa tulong mo ay kakayanin ko

    Continúa después del anuncio

    Ito ba ay paalam na
    (kaibigan)
    Ito ba ay paalam na
    (kapatid)
    Ito ba ay paalam na
    (kapamilya)
    Ito ba ay paalam na
    (kapuso)
    Ito ba ay paalam na
    (sinta)

    Bakit naman ako aalis?
    Pinamana ko na sa iyo ang aking puso
    Hindi naman ako aalis
    'di ko ata kakayanin iwan ka

    Huwag ka ng umiyak
    Sayang ang luha

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión