8 To 5

Rivermaya

    Continúa después del anuncio

    ako'y nagmamadali't atat
    nagkakandarapa na makita ka
    makasama kang sapat
    ikaw hinahanap mo na ako
    nasaan na kaya lumilingon-lingon
    malapit na mag alas otso

    ikaw ako magkaakbay
    parang walang hangganan
    kaligayahang walang humpay
    hanggang tayo'y mag-uwian

    Continúa después del anuncio

    hala naliligaw na naman
    sa iyong mga matang
    pagkaganda-ganda
    nalunod ang laman
    ng utak ko
    na maraming masasaktan
    mali nga naman ang sikreto
    nating nangloloko
    sulitin hanggang alas singko

    ikaw ako magkaakbay
    parang walang hangganan
    kaligayahang walang humpay
    hanggang tayo'y mag-uwian
    kahit saglit lang

    (ikaw ako) magkaakbay
    parang walang hangganan
    kaligayahang walang humpay
    hanggang tayo'y mag-uwian
    kahit saglit lang

    Información de la canción

    Composición: Nathan Azarcon, Michael Elgar Miximino, Mark Escueta Edward y Ryan Peralta

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión