Mabuhay

Rivermaya

    Continúa después del anuncio

    Ibon lang ba'ng may layang lumipad?
    Saang dakong paroon ba ang iyong lakad?
    Papunta pa lang ang tanong

    Pabalik na'ng sagot
    Aanhin pa nga naman ang damo
    Kung wala ng chichibog

    Walang mahirap na gawa kung alam mo ang iyong ginagawa

    Continúa después del anuncio

    Lahat natutunan ko elementary pa lang ako
    Ngayon akalain mo hindi pa rin natuto
    Nagmamadaling tumanda
    Gusting magpa bata
    Akala ko ay graduate na malayo pa pala

    Oo nga ano
    Kung walang mali, lahat may tama
    Oo nga ano
    Kung panay pagmahal, wala ng magmumura
    Anong mas gusto mo?
    Wala kang tulog o wala nang gising?
    Anong mas gusto mo?
    Mabuhay sa hirap o mamatay sa sarap?
    Oo nga ano
    Kung gusto mo puro luma, walang pagbabago
    Oo nga ano
    Kung puro tahimik wala ng mag-iingay

    Walang mahirap na gawa kung alam mo ang iyong ginagawa

    Oo nga ano
    Kung walang mali, lahat may tama
    Oo nga ano
    Kung panay pagmahal, wala ng magmumura
    Anong mas gusto mo?
    Wala kang tulog o wala nang gising?
    Anong mas gusto mo?
    Mabuhay sa hirap o mamatay sa sarap?
    Oo nga ano
    Kung gusto mo puro luma, walang pagbabago
    Oo nga ano
    Kung wala ang puno, wala ang dulo

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión