Limang Dipang Tao

Ryan Cayabyab

    Continues after the ad

    Limang Dipang Taong Nagtutulakan
    Sa Abenidang Aking Napagdaanan
    Nag-Aabang Ng Masasakyan, Patungo Kung Saan,
    Di Ko Malaman

    Sa Aking Dyipning Sinasakyan,
    Mayroong Natanaw Na Mama
    Sa Dinami-Rami Ng Nagdaraan, Ikaw Pa Ang Nakita,
    Ikaw Pa Ang Nakita
    May Kasamang Dalaga, (May Kasamang Dalaga)

    Para, Mama Dito Na Lang, Bababa Na Ako
    Para, Mama Dito Na Lang, Heto Ang Bayad Ko
    (Heto Ang Bayad Ko)
    Para Na Sabi, Para Na Sabi, Para Mama
    Para Na Diyan Sa Tabi!

    Limang Dipang Taong Nagtutulakan,
    Ang Dinaanan Ko Sa Paghabol Sa Iyo
    Tinatanaw Ang Pagakay Mo
    Sa Dalagang Pinagseselosan Ko

    Continues after the ad

    Sa Pagmamadali Nadapa Ako,
    Sa Bangketang Kinatatayuan Mo
    Lumapit Ka, At Tinulungan Ako,
    At Kita'y Tinitigan (At Kita'y Tinitigan)
    Mga Mata'y Nagkabanggaan
    Ano Ba Itong Naramdaman?

    Sorry, Mama Pasensiya Ka Na, Akala Ko'y Asawa Kita
    Sorry, Mama Pasensiya Ka Na, Sorry't Naabala Ka Pa
    Sorry Na Sabi (2x), Sorry Mama, Sorry't Napagkamalan Ka

    Limang Dipang Taong Nagtutulakan
    Sa Abenidang Aking Kinatatayuan
    Nagaabang Ng Masasakyan
    Patungo Kung Saan, 'di Ko Malaman

    Limang Dipang Taong Naguunahan
    Sa Unting Sasakyang Nagdaraan
    Sayang Ang Dyipning Kanina'y Lulan
    At Ngayo'y Nagsisisi, Sa Aking Pagbubusisi
    Malaking Pagkakamali

    Para, Mama Sasakay Po, Limang Dipang Taong Nagtutulakan
    Para, Mama Sasakay Po, Limang Dipang Taong Naguunahan
    Para Na Sabi (2x), Para Mama, Para Na Diyan Sa Tabi.

    Para Na Diyan...

    Song details

    Composition:

    Did you see an error?

    Enviar revisão