Continues after the ad

    ohohooh (ahaha) ohohooh
    dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
    umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
    naalala ko pa noon nag aagawan ng nintendo
    kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

    lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi
    naglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
    umaawit ng theme song na sabay kinabisa
    kay sarap namang mabalikan ang alaala

    ikaw ang kasama buhat noon
    ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon) oh oh oh

    diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
    ako yung prinsesang sagip mo palagi
    ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
    ngunit di ang pagtingin (ngunit di ang pagtingin) na gaya pa rin ng
    da-ra-rat-da dati
    da-ra-rat-da dati
    da-ra-rat-da dati
    na gaya pa rin ng

    Continues after the ad

    dati rati ay palaging sabay na mag syesta
    at sabay ring gigising alas kwatro y medya
    oh sabay manonood ng paboritong programa
    o kay tamis namang mabalikan ang alaala

    diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
    ako yung prinsesang sagip mo palagi (ohoho)
    ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
    ngunit di ang pagtingin (ngunit di ang pagtingin) na gaya pa rin ng

    dati rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan
    gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
    at pawang magkakalaban pag nagtayatayaan
    pero singtamis ng kendi pag nagkakasal kasalan
    diba dati ay nagkukunwaring marvin at jolina
    minsan ay tambalang mylene at bojo molina
    ang sarap sigurong balikan ang mga alaala lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at

    parang julio't julia lagi tayong magkasama (hindi mapaghiwalay)
    sabay tayong umiiyak pag inaapi si sarah (hindi pwede yan)
    una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga (yan ang pag ibig)
    sana mabalik pang dati nating pagsasama

    diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari
    ako yung prinsesang sagip mo palagi
    ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
    ang aking pagtingin oh bulong na lang sa hangin (ibulong na lang)

    pangarap na lang din (pangarap na lang din)
    na gaya pa rin ng (gaya pa rin)
    da-ra-rat-da dati (dati)
    da-ra-rat-da dati (dati yeah)
    da-ra-rat-da dati (yeah)
    na gaya pa rin
    da-ra-rat-da dati (wooh)
    da-ra-rat-da dati
    da-ra-rat-da dati
    na gaya pa rin ng
    ng dati

    Song details

    Composition:

    Did you see an error?

    Enviar revisão