LIHAM

SB19

    Continúa después del anuncio

    ang aking mundo ay payapa
    sa 'di malamang dahilan
    at noon ay buo kong inakala
    lahat ay ayos na naman
    nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay
    nagbabalat kayong himala, oh-oh
    mga pasan ay gumaan
    ikaw ang tanging dahilan
    sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan

    narito ako, tapat lang at totoo
    pinapangako sa iyo, oh

    ito ang aking liham sa pag-ibig ko
    'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
    ikaw lang ang himpilan ng aking puso
    sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
    ligaya ng aking mundo

    Continúa después del anuncio

    oh, kay rami ng mga bagay
    na hindi natin maintindihan
    sa kabila ng lahat ay pilit nating binabalikan
    mga panaginip na inaasam
    ako'y binuo ng mabuti't masamang karanasan
    puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan
    at gano'n-gano'n na lang
    pagmamahal mo ay walang anumang
    ang pag-aabang kaya habang

    narito ako, magpapagal para sa iyo
    handang isuko ang buo, oh

    ito ang aking liham sa pag-ibig ko
    'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
    ikaw lang ang himpilan ng aking puso
    sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
    ligaya ng aking mundo

    pa'no kaya kung hindi tayo nagkita?
    ang buhay ko'y matatawag pa nga bang buhay
    sa layo ng bituin, ang tingnan nito'y
    pagtingin sa nakaraang, 'di gunitang tunay
    oh, paumanhin, wala ka man sa alaala
    ko'y habang buhay kitang mamahalin
    mamahalin, yeah

    ito ang aking liham sa pag-ibig ko
    'di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
    liham sa pag-ibig ko
    pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo
    ikaw lang himpilan ng aking puso
    maging sa hinaharap o nakaraaan, ikaw lang at ako
    oh, aking mundo, oh
    ligaya ng aking mundo

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión