Basted

Siakol

    Continúa después del anuncio

    Basted ka na naman
    Pangilan na ba yan
    Karakas ang sinisisi
    Na may kamalasan

    Ang lagi mong tanong
    Tao ba'ko inay
    Nung magsabog ng kapangitan
    Hindi ka namigay

    Habang nabubuhay ang tao
    Dito sa mundo
    Asahan mong may magmamahal sayo
    Habang marunong kang umibig
    Ay may kapalit
    May maakit kahit ika'y saksakan ng pangit

    Hindi ka man gwaping
    Di ka naman bading
    At sa taglay mong kabutihan
    Meron ka ring dating

    Continúa después del anuncio

    Tingin sa salamin
    Iyong mapapansin
    Mahirap ang maging tulad mo
    Malapit sa tuksuhin

    Habang nabubuhay ang tao
    Ano man ang anyo
    Asahan mong may magmamahal sayo
    Habang marunong kang umibig
    Ay may kapalit
    May maakit kahit ika'y saksakan ng pangit

    Basted ka na naman
    Tuloy ang inuman
    Sa lupit ng sinapit
    Babaha ng iyakan
    Wag mong ikahiya
    Astig ang iyong mukha
    Kung tae nga ay may hitsura
    Eh ikaw pa kaya

    Habang nabubuhay ang tao
    Dito sa mundo
    Asahan mong may magmamahal sayo
    Habang marunong kang umibig
    Ay may kapalit
    May maakit kahit ika'y saksakan ng pangit

    Habang nabubuhay ang tao
    Ano man ang anyo
    Asahan mong may magmamahal sayo
    Habang marunong kang umibig
    Ay may kapalit
    May maakit kahit ika'y saksakan ng pangit

    Información de la canción

    Composición:

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión