Summer Song

Silent Sanctuary

    Continúa después del anuncio

    Magkatabi tayo sa duyan
    Sa ilalim ng buwan
    Buhangin sa ating mga paa
    Ang dagat ay kumakanta
    Matagal na ring magkakilala
    Minahal na kita
    Simula pa nung una
    Unang makita ang iyong mga mata

    Sana ay 'wag nang matapos 'to
    Pag-ibig na para lamang sa iyo, woah-woah

    Tuwing ika'y nalulungkot
    Nandito lang ako pangako ko sa'yo
    Hindi kita iiwan
    'Wag kang mag-alala
    ('Wag kang mag-alala)
    Gusto mo ng beer Ililibre kita
    (Sige na, sige na, sige na)
    Basta't ika'y kasama, 'di ako nangangamba
    Kislap ng 'yong mata, tibok ng puso'y sumaya
    Ikaw lang ang aking mamahalin
    Hanggang sa langit ikaw ay dadalhin
    Tara na, tara na, tara na

    Continúa después del anuncio

    Sana ay 'wag nang matapos 'to
    Pag-ibig na para lamang sa iyo

    Gusto 'kong
    Tumalon, tumalon sa saya dahil
    Ikaw ang kapiling
    Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
    Ang puso ko
    Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
    Sa ilalim ng araw
    Gusto 'kong
    Tumalon, tumalon sa saya dahil
    Ikaw ang kapiling
    Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
    Ang puso ko
    Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
    Sa ilalim ng araw, ng araw

    Magkatabi tayo sa duyan
    Sa ilalim ng buwan
    Buhangin sa ating mga paa
    Ang dagat ay kumakanta
    Matagal na ring magkakilala
    Minahal na kita
    Simula pa nung una
    Unang makita ang iyong mga mata

    Sana ay 'wag nang matapos 'to
    Pag-ibig na para lamang sa iyo

    Gusto 'kong
    Tumalon, tumalon sa saya dahil
    Ikaw ang kapiling
    Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
    Ang puso ko
    Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
    Sa ilalim ng araw
    Gusto 'kong
    Tumalon, tumalon sa saya dahil
    Ikaw ang kapiling
    Sa iyo, sa iyo, sa iyo lamang
    Ang puso ko
    Sumayaw, sumayaw, sumayaw, tayo
    Sa ilalim ng araw, ng araw

    Información de la canción

    Composición: Sarkee Sarangay

    ¿Los datos están equivocados?

    Enviar revisión